walang bold button
BAKIT WALA NANG BOLD BUTTON ANG BLOGGER?
dapat hindi nila tinanggal yun.
chao fan na naman ang dinner ko. naadik si ate sa chowking. ngayon ko lang nadiscover ang chao fan. ok pala kasi suyang-suya na ako sa chicharap.
mwehehehehe.
kaninang artapre, nagtanim ako ng kamote at kangkong sa test paper ko. wala akong naisagot na matino. hindi ok yun, pero sa tingin ko papasa naman ako kasi maganda ang mga projects namin.
ang lakas ng hangin.
madali lang ang midterms sa anthrop. ang saya, kasi hindi ako nag-aral dun. stock knowledge.
ang lakas ulit ng hangin.
galit sa akin si sharky. kasi ang kulit mo. kaya ayaw kitang pauwiin kasi alam kong manggigisa ka eh. dyan ka magaling eh.
may mamang magaling na nandedekwat ng panty sa sampaloc. hmmmmm. baka nahihiyang bumili ng panty kasi malaladlaran sya.
tsktsktsk. alam nyo bang lumindol kanina, sabi nung anthrop prof ko? at alam nyo bang 14th anniversary ng malakas na lindol?
*reminisce*
ewan ko, pero sabi ni vic lima kanina, mga 5pm daw nangyari yung lindol. pero parang mga bandang 3 or 4pm yun. natatandaan ko yun eh, kasi 3 years old na akong batang sutil noon eh. naaalala ko yung mga yaya ko, habang nagdidisco yung mga uod sa ilalim ng lupa, nakatalukmong magkayakap sa harap nung freezer nung tindahan namin. aba malay ko bang nagdidisco ang mga uod nung mga panahong yun, sanay na kasi akong inaalog eh, pampatulog ko yun eh. tapos lakad ako ng lakad hanggang nakarating ako dun sa tindahan namin. yung tindera namin nakaupo, nagrorosaryo. nasa ilalim sya ng maraming lata ng fruit salad nung mga panahon yun, at parang hidi natitinag. ako rin hindi natitinag, lakad pa rin ako. tapos nakiupo ako sa mga yaya ko. akala ko kasi tuwang tuwa sila. tinarantado ko ang moment na yun, hindi ko alam na maraming na palang namamatay nung oras na yun.
tapos after 14 years, nasa sps kami ni cheska at mon, naglalunch. nabilaukan ako at tumayo para kumuha ng tubig. na-outbalance ako, kasi parang nahihilo ako. natawa lang ako.
after 30 minutes, inannounce nung anthrop prof namin na lumindol. at nung mga panahong lumilindol katabi ko ang mga baso sa sps.
wala lang, trip ko lang magkuwento.
<< Home