i don't wanna go home yet
STILL HERE IN THE YUCHENGCO
wala na akong magawang matino. pinipilit ko ang sarili ko na basahin ang friendster ng aking kinasusuklamang dating kaibigan. wala lang, para pintasan. kung gaano ka-loser ang mga testimonials nya. kung gaano syang purihin na henyo ng mga kaibigan nya. hindi dahil naiinsecure ako pero dahil F na F nya ang bansag na yun.
ika nga ni friend # 1, mahangin daw si ex-friend. oo, mahangin sya. sabi ko nga minsan kay friend # 1, kapag nagkita sila ni ex-friend, sabihin nya na mas mayabang na ako sa kanya kasi sa la salle ako nag-aaral. sa ateneo kasi sya ngayon.
(pero parang ako ang lumalabas na loser ngayon kasi natalo kami sa basketball)
pero kahit na, mas mayabang na ako sa kanya. alam ng mga kabarkada nya yun. kahit anong tago ang gawin nyo sa pag sesharing nyo na mayabang ako, alam ko yun. mayabang ako at inaamin ko yun.
sya hindi, pero halatang-halata.
ISANG KWENTO: sabi ni friend # 1, si ex-friend daw ay tinanong nya tungkol sa isang bagay na hindi ko dapat sabihin dito (pag sinabi ko yun dito, aba'y malamang na malalaman nyo kung sino yun), sabi ba naman ni ex-friend, "eh kasi, hinihintay ko lang naman yung pangalan ko eh", parang may pasaring na "eh ano naman ang paki ko sa friend nyo, eh mas henyo ako dyan?" diba? nakakainis.
pero ngayon mas mayabang ako sa kanya.
pag nagkita kami ulit, sasabihin ko na sa la salle ako nag-aaral. akala ko nga sa ust ka mag-aaral eh. ewan ko ba kung bakit ka nag-ateneo. oo nga pala, henyo ka. eh kung henyo ka, bakit hindi ikaw yung...
to be continued. nagbobowling na naman si san pedro eh.
<< Home