UAAP.
U-A-A-P! ANIMO LA SALLE!
syempre, frosh. kaya excited.
(pansin nyo ngayon lang ako nagpost ng matinong entry. lecheng 50 cents yan.)
i wasn't able to watch the opening live, kasi wala na kaming naabutan na ticket (sana naman kasi pinopost kung saan at kailan ang bilihan ng ticket, diba? paano naman kaming walang kamuwag-muwang na frosh?). it was two thumbs up for the MCO and the Green Media, ganun na rin sa pep squad (drummer boy pala si philip artapre) and the pops orchestra (missy, nakita kita sa tv!).
bukas manunuod kami ng ateneo-la salle. hindi ko nga alam kung sino pa ang kasama ko aside from mon and ian. at hindi ko pa alam kung saang kamay ng diyos ako kukuha ng ticket. kung may pera lang ako nung friday binili ko na sana yung ticket nung mamang scalper. sayang, upper box pa naman. eh hello lang, binebenta nya sa amin ni mon for PhP200! HELLOOOOOOOO!!! dugas! buti sana kung sa patron yun noh!
kaya mon, dapat maaga tayong mag-hanap ng scalper sa araneta bukas. 10am dapat nandun na. kaya lang uuwi muna ako para mag-lunch. si mother kasi, masyadong maaga pa raw yung 10 para magcamp-out sa araneta. boooooooo. dadating ako dun ng 2pm, pero as if namang mag mauupuan pa tayo ng mga panahong yun, diba? [UNDERSTATEMENT: hindi nila naiintindihan kung gaano karaming atenista at lasalista at mga meron na gusto manuod ng laban] pero promise talaga, dadating ako...
at sana, maisip mo ring basahin itong blog ko para malaman mo ang magiging sitwasyon bukas. heheh.
goodluck D-L-S-U! ANIMO LA SALLE!
<< Home