survey
ANG TAGAL MAG-ONLINE NI MON.
may kailangan pag-usapan tungkol sa artapre. pero wala pa sya.
kaya itong kabalbalang ginawa ko ay galing sa friendster, galing kay bobbie.
ANG UNA KONG INIISIP PAGKAGISING KO AY
---> depende
ANG UNA KONG GINAGAWA PAGKAGISING AY
---> kumanta ng bayang magiliw. nasanay nung high school. namimiss ko ngayong college.
PAGKUMAKANTA AKO SA BANYO, KINAKANTA KO ANG
---> hindi ako kumakanta sa banyo. nagkukunwari lang akong contestant ng star circle quest at nagaaacting
HINDI AKO MAGALING MAGLUTO PERO EXPERT AKO SA
PAGLULUTO NG
---> adobo!
KAPAG WALA AKO MAGAWA AKO AY
---> natutulog
KAPAG NATUTULOG, MADALAS KONG NAPAPANAGINIPAN
---> kung ano ang iniisip ko bago ako matulog
KAPAG NAKAKAKITA AKO NG PAGKAIN AKO AY
---> depende sa kalam ng sikmura
NAIIYAK AKO KAPAG
---> secret
NAIINIS AKO KAPAG
---> secret
NATATAWA AKO KAPAG
---> gusto ko tumawa. pag naka-vetsin ako! wooooh patok!
NAGAGALIT AKO KAPAG
---> secret
KINIKILIG AKO KAPAG
---> nakikita ko si *
ALAM NIYONG TINAMAAN NA AKO KAPAG
---> nagreact ako ng malakas
ALAM NIYONG BADTRIP AKO KAPAG
---> naka-shades ako
ANG PANGARAP KO SA BUHAY AY
---> maging isang batikang mamamahayag, kahit sa wazzup wazzup lang, o maging sidekick ni erwin tulfo or maging co-anchor ni
GUSTO KO SA PASKO AY
---> maraming tv specials ang abs-cbn
MAYABANG NA KUNG MAYABANG PERO
---> totoong mayabang ako! mwahahahahaha! walang tatapat sa akin!
HINDI KO MAINTINDIHAN KUNG BAKIT
---> kailangan ng crithin at kung bakit kailangan mang-manyak ang mga lalaki sa mrt
NALOLOKA/LOKO AKO KAPAG
---> nanonood ako ng wazzup wazzup
KAPAG LAHAT NG MASAMA AY NANGYARI NA ANG
MASASABI KO NA LANG AY
---> hahahahaha. loser.
OKAY NA SANA KASO NGA LANG
---> ganun eh. masama pala ang coke pag walang laman ang sikmura
GUSTO KONG
---> makatapos sa de la salle university ng may lumilipad na kulay (with flying colors), may diploma sa batsilyer ng sining sa pagsasanay ng sining sa komunikasyon na may konsentrasyon sa pag-uulat (IN ENGLISH: to finish college in dlsu with flying colors, with a diploma in ab communication arts, major in broadcasting. patay, kick out na ako)
PERO HINDI KO MAGAWA DAHIL
---> anong hindi ko yun magagawa?! magaling ako eh! impossible is nothing! adidas!
KAPAG MAY PERA AKO, BIBILI AKO NG...
---> laptop at magpaparenew ng membership sa fitness first
GUSTO KO I-ADD SA FRIENDSTER LIST KO SI
---> heheh. si ****** ***. ni-reject ako ng kupal.
ANG PALAGI KONG INIISIP AY
---> secret.
GUSTO KONG KAUSAPIN
---> ang sarili ko. i barely have time for myself. GAWWD I NEED FOOT SPA!
AT SABIHIN NA
---> malapit na yung birthday ko. LOL. <--- oo nga, magkalapit tayo ng birthday. mamaya ipopost ko dito ang gift list ko hehehe
ANG HULI KONG PINAIYAK AY SI
---> sarili ko
DAHIL
---> secret
PAG NILAPITAN AKO NG TAONG GUSTO KO, ANG GAGAWIN
KO AY
---> hindi ko alam. ang recent na nangyari sa akin ay nung nilapitan ko si john lloyd at nagpapicture. nagkaroon ako ng memory lapses after nun. pag nakita ko si hero, magiging melted chrome ako sa harapan nya. mwahahahaha.
LAGI KONG IPINAGDADASAL NA SANA
---> hindi kailanman mapapahamak ang pamilya at
mga kaibigan ko. <--- tama.
MAPAPATAWAD LANG KITA KAPAG
---> namatay ka na. hahahahaha.
MALALAMAN MONG MAHAL NA KITA KAPAG
---> sinabi mo ring mahal mo ako. at depende kung sino ka. CHARUS.
<< Home