ang entry
TODAY
bago ang ISP ko. mabilis na ang friendster. mabilis na rin ang YM kahit pinapatanggal na ni mother sa akin kasi hindi daw sya makabayad sa citibank.
ngayon ko lang narealize na dapat pala nagpaalam ako kay rg bago ko pinost dito yung blog entry nya. nahihiya kasi ako sa kanya kasi hindi nya ako kilala. sorry rg!
heheh. inadd na ako ng tito ko sa friendster, matapos nyang tangkaing isnatch yung bag ko nung sunday sa centerpoint. heheh. marami na rin pala ang nagbabasa ng blog na ito. at kung sino-sino pa kayo dyan, thank you. tataas ang ratings ko. (parang tv eh)
masakit ang tyan ko. kasi donut lang ang kinain ko kaninang umaga at baked potato at coke lang ang lunch ko kanina. hindi pa ako umiinom ng zantac pero naalala ko na may chewable tums pala ako.
teka, tv patrol na. at nandito na ang siomai chao fan rice at marami pang siomai. libre ni ate.
question of the day: bakit ang daming sinasapian ngayon?
<< Home