Tuesday, July 20, 2004

roponggi mania!

ROPONGGI MANIA: REMINISCING

what a bunch of weirdos, huh, ciarra and santi?!

heheh. i wish you get what i mean. thanks for your acknowledgement. sana nagpopost kayo sa tagboard.

hmmmnnn...

Amazing Race: LRT Edition

dati ko pa gusto sumali ng amazing race. oo, as in kung may pera lang ako. masaya makipag-unahan sa mga tao. kanina nagmala-amazing race kami ni mon papuntang bonifacio monument.

lrt kami from la salle to monumento. ang haba ng linya ng lrt, kung pwede ko nga lang tulugan, tutulugan ko talaga yun eh. tsk. ang baho nga lang.

13 stations ang kailangan daanan ng lrt bago makarating kay gat andres. nadaanan nga namin yung chinese cemetery. astig, kasi parang buhay na tao ang mga nakatira sa mga mausoleum. nakakatakot kasi parang panahon pa ni mahoma pinatayo yung mga yun, at baka hindi pa naiisip ng mga sira ulong hapon ang ideya na pasabugin ang pearl harbor, nakatira na yung mga residente ng mga mausoleum na yun.

tsk, astig talaga.

grabe, ang alien ko talaga kanina. kasi hindi ko pa napupuntahan yung mga places na dinaanan namin kanina. ang freaky, pero maganda tignan. pang artapre, lalo na yung mga mausoleums.

oo na, lagi ko na lang binanggit yung mga bahay ng mga patay. kasi ang totoong ambition ko eh maging embalsamador. trip ko kasi talaga yung mga patay eh. wag lang ako yung mamamatay.

dahil sa sobrang ka-alienan ko, hindi ko alam kung saan bababa. eh alien din pala si mon, so hindi nya rin alam. basta pumasok kami ng ever gotesco, the mall of the jologs, sabi ni pris. first time ko pumasok sa ever, at yun ang pinaka-unang ever na napuntahan ko.

sobrang parang amazing race talaga. takbo dun, takbo dyan, nasugatan na nga ako eh (AAAAAHHH! NAPUTOL DALIRI KO!!!) astig talaga. ang saya.

pagdating namin sa monumento, hindi pa namin alam yung gagawin namin ni mon. kung lalapit ba kami o hindi. maganda sana yung vantage point namin, kaya lang mukhang masasnatch yung phone ni mon sa lugar na yun. sinubukan na naming lumapit, kasi may mga mama naman sa loob. tapos pagdating namin dun, tamang-tama si caca andun! woooohooooooo!!! akala namin kami lang dalawa ang magpapakamangyan dun.

masaya, kasi ang sarap magpicture-picture. ang sarap mang-inggit ng mga tao na natatraffic sa monumento, parang, HOY MALUWAG DITO MWAHAHAHAHAAAAAAAAAA!!!

ipopost ko dito yung pictures namin.

pag-uwi, ok na, kaya lang nahihilo na ako. ewan, basta nahihilo ako kanina. natuwa uli ako sa chinese cemetery, sana ipadala kami ni osh dun para kumuha ng pictures ng mga mausoleums. diba art din yun? chaka sana gabi.

haiii. yun ang nangyari. kaya pala ako nahihilo kasi mag-uumpisa na naman ang rhinitis. kaya nakatira ako ng benadryl. inaantok na ako.

gunayt.