Tuesday, October 26, 2004

third month

ISA PANG HIRIT NG PANANATILI PARA SA ATING PAGLALAKBAY PATUNGONG IKAPITUMPU'T LIMANG TAON NG ATING PAGSASAMA

Huwag mong naising lisanin kita;
Wala 'kong hangaring ika'y mag-isa.
Sa'n man magtungo, ako'y sasabay,
Magkabalikat sa paglalakbay.

Mananahan sa tahanang sisilong sa 'yo,
Yayakapin ang landasin at bayan mo.

Poon mo ay aking ipagbubunyi
At iibigin nang buong sarili.
Sa'n man abutin ng paghahanap,
Ikaw at ako'y magkasamang ganap.

Ipahintulot nawa ng Panginoon:
Ni kamataya'y maglalaho, anino ng kahapon.

Dahil pag-ibig ang alay sa 'yo, mananatili ako.
H'wag nang naising tayo'y mawalay,
H'wag nang isiping
Magwawakas ang paglalakbay.

happy third monthsary baby ko!

i love you!

69 months to go! kuya jeff, pari ka na ba nyan?