Monday, October 11, 2004

pagkahulog sa hagdan

MASAKIT.

kanina after ng crithin, habang nagkukwentuhan kami ni ian pababa ng miguel, bigla akong nadulas sa stairs. nagbounce ako ng tatlong beses pababa. masakit yung pagkahulog ko, at sa phobia ko sa pagkahulog sa hagdan (remember nung nagcrash ako sa hagdan ng bahay... euuuuuuu!!!), kinabog ako. si ian, pinagtawanan pa ako. negated na nga, lampa pa.

mamaya mag-iinuman kami. birthday ni cheska. two years na akong hindi nakakainom. bwehehehehe. masaya toh! belated happy birthday muthar!

everybody's fussing around the earthquake last friday. siguro sa sobrang ngarag ko kakaubo at kakasinghot hindi ko na napapansing nangangalog na yung bahay namin. ako lang sa bahay ang hindi nakaramdam, to think na gising pa ako ng mga panahong yun. ako lang din ata sa school ang hindi nakaramdam. fourteen years na akong hindi nakakaramdam ng lindol. at kung daanan man ako ng lindol, tulog ako. nung minsang lumindol, madaling araw, akala ko nananaginip lang ako. pagmulat ko ng mata, si ate nakabungad na sa pintuan, sabi nya lumindol daw. one time rin, nakahiga ako sa living room, nanonood ng ASAP, biglang nag-OBB tapos matagal bago bumalik yung show. tinawag ako ni ate pero hindi ko sya pinansin, inaantok kasi ako nun. tapos pagbalik ng ASAP, sabi nila lumindol. hindi ko naramdaman.

nakakainis.