Monday, August 02, 2004

nagalit si kuya jeff

SORRY NA.

galit sakin si kuya jeff kasi tinulugan ko sya nung sabado imbes na mag-usher ako.

at least sinasabi ko ang totoo na matutulog ako at hindi nagliliwaliw; er, kahapon, oo nanood ako ng i, robot kasi si mother nagagalit na sa akin kasi hindi na raw ako nakakapag-R&R.

sorry na po...

imagine ha, thursday dalawang project ang tinatapos ko, yung powerpoint ni jabez at ang lechugas na sculpture ng artapre kasi ayaw dumikit nung flag sa eroplano, at yung part ko sa paper. online ako simula alas-cinco hanggang ala-una ng umaga, isang oras lang ako nag-offline nung nagalit sa akin si mother. tapos ayaw pa magsend nung powerpoint project ko kay tatay, tapos nadamay pa sya sa pagpupuyat ko.

pagkatapos ko pa gawin yun tinapos ko pa yung base ng sculpture namin. ayaw pa dumikit nung sabon. ayaw dumikit ng mga miniature na tao kahit six feet under na yung butas na dapat nilang kalagyan. yung eroplano nalalaglag pa. yung flag ayaw pang dumikit. umusok pa yung perla nung pinatakan ko nung 3rd generation glue at pumasok yung vapor sa ilong ko kaya nangati yung ilong ko. nakatulog na ako ng alas-dos y media.

nalate pa ako ng gising. nagpa-alarm pa ako ng 5am kasi itutuloy ko ang pagdikit ng lecheng flag at mga tao. ayaw pa rin. pinagtatawanan na nga ako ni ate kasi naniningkit na yung mata ko sa sobrang antok-actually hindi sa sobrang antok yun eh, sa sobrang inis ko naniningkit na yung mata ko at malapit nang sumabog. buti hinatid ako ni father papuntang school kasi hassle nga namang mag-mrt na may dalang kahon ng sapatos, buti na lang naisip ko yun kung hindi, lasog-lasog na ang sculpture namin at siguradong F yun.

nakaabot naman kami ng sculpture ko ng buhay sa school, kaya lang ngangarag-ngarag na ako. late pa ako sa englone.

tapos nanood pa kami ng concert ng pops. astig, kaya lang hindi ko na tinapos sa sobrang antok ko. buti na lang sinabayan ako ni gabo kahit nangutang sya sa akin. hindi rin ako nakatulog sa mrt sa sobrang kadaldalan ko.

pagdating ko sa bahay bumagsak na ako sa kama at natulog. nagising ako ng alas-nueve ng sabado at nakatulog ulit. nagising ako ng mga eleven na ata at nagpatuloy sa iba pang gawain.

linggo natulog ulit ako pero hindi pa nagdedeflate yung eyebags ko. backpack na nga ata sya eh. sabi ni mother kay ate isama nya ako sa movie. nanood kami ng i, robot. umiyak ako kasi naawa ako kay sunny. buti na lang hindi tinuluyan ni dr. calvin yung tunay na sunny kundi hahagulgol talaga ako sa sinehan. panoorin nyo. astig.

pag-uwi hindi kaagad ako nakatulog kasi naalala ko may quiz pa sa artapre. hindi naman natuloy. ang tagal rin magreply ni tatay eh. at ang epekto ng frapuccinong may ginto, shit P80 lang dati, P120 na ngayon?! ano yun, may sentimental value?

kaya kuya jeff, patawarin mo na ako... promise ililibre kita sa birthday ko. malapit na yun o! sorry na ha?