nostalgia
PAGBABALIK-ISPUK
masayang ok lang.
from dlsu, i went down to cubao then looked for the lrt station going to gilmore. from the mrt station, i went inside the farmer's mall para walang hassle, and it was a little bit drizzling. tapos eh wala pang bridge connecting mrt to lrt, so naglakad ako sa aurora blvd. i did not see the stairs going to that blasted station, so i rode na lang a jeep. lecheng driver yan, alam naman nyang sumasakay ako, umaandar pa rin. buti na lang may spiderman skills ako. weheheh.
nung nakasakay na ako ng jeep, super traffic. west bound is super traffic. halos hindi gumagalaw yung mga jeep na nakapila. imagine wala pang isang kilometro naka 30 stops ata yung jeep na sinakyan ko. yung ibang passenger bumaba na sa sobrang tagal. kami na lang nung lolong mukhang war veteran ang natira sa loob ng jeep. tapos nung last stop nya, saka ko nakita yung lrt station! grr! tutukain na lang pala ako, hindi ko pa nakita! dun na ako nagpunta, at naiwan ko na si war veteran lolo...
pagdating ko dun sa taas nung station, huwaw, walang counter! puro vending machine! eh nagfeeling ang lola nyo, nagmarunong, pero kamote pa rin. ganun pala yun, pipindutin mo muna yung button nung place na pupuntahan mo, saka mo ipapasok yung barya/paper money. tapos bibigyan ka ng sukli. buwset talaga. naka-robotics ang lrt 2. hitech. wala nun sa bundok.
tapos, dun sa may hintayan ng train, may parang message board dun, yung tipong nakikita mo sa jollibee na nagsasabi "welcome to jollibee! 30% off sa blahblahblah..." ayun. yung mga ganun sinasabi nya na two minutes na lang and 30 seconds dadating na yung train. aba wala nun sa mrt! astig talaga! tapos dumating na nga yung train. anluwag! chaka may hawakan kahit dun sa gitna ng aisle, kaya wala kang rason para sumubsob. tapos pagsara ng pintuan, may tutunog "(ding-dong!) next station, betty go belmonte station... ang susunod na istasyon ay betty go belmonte." patok talaga! hindi parang yung mrt, yung driver yung nagsasalita: "apprucheng shu bulebard stishon" o "afroching hel poyat station". astig talaga.
pagbaba ko ng gilmore, uy grabe ang luwag. naalala ko tuloy yung mtv ni erik santos, at napakanta (in fairness maganda yung song) at na-LSS. kaya lang lecheng mga mamang naghuhukay sa baba. maputik na, wala pang malakaran. tuloy, muntikan na akong masagasaan nung blasted jeep.
pagdating ko sa aurora gate, dahil mabait ako, gusto kong kumuha ng visitor's pass. tinanong ako nung guard kung saan ako pupunta, so sinabi ko sa high school office dahil dun sa alumnae card ko. tapos akala ko palulusutin pa nya ako, pinapirma nya pa rin ako sa visitor's log. buti na lang hindi nya ako binigyan ng id. kundi parang hiniya nya ako. heheh. baseless.
syempre, todo iwas ako sa former batchmates ko. nakakahiya noh. baka kung anong sabihin nila lalo na yung lekat kong ex-friend. buti na lang wala akong nakita. pero maganda, este gwapo yung nakita ko. shett yung physics teacher na pumalit kay butterfat dun na pala nagtuturo! aaaaaAaAAaAaahhHHHhHHhHHhHH! nagdemo na yun sa adt last year eh! grabe! lecheng yun. gusto ko ulit bumalik ng high school. tapos nung nalaman ni ms. froi na crush ko pala si sy beng, sabi nya "yun? crush mo! eh ang pangit ng boses nun eh!" ang sama nyaaaaa...
ang dati kong skwelahang sobrang feminista, dalawa na ang gurong boylets. yung isa hindi naman gwapo, kamuka ni vhong navarro. si sy beng ang PATOK! tapos wala na si bona and butterfat. si ms. froi clubs ang orgs na, nagpalit sila ni ms. cua, na adviser na ng adt. si sr. becks, nr pa rin. kainis, hindi man lang ako kinausap ng matino. pinaka magandang narinig ko nung sinabi ni bebang chaka ni ms. baasis na pumayat na ako. YAHOOOOOOOOOOOO!
nakuha ko na rin yung pauleen. ganun pa rin sya.
at ang kwelang part dito, sumakay ulit ako sa robotics na lrt. PATOK TALAGA!
sana pala binagsak ko yung physics at econ last year, para high school ulit ako.
pero ok na rin yun, kasi sa ispuk, isa lang ang gwapong straight na lalaki. sa la salle, mas maraming gwapo at straight, kagaya ni ****. heheh.
<< Home