Monday, May 24, 2004

college!!!! aaaaahhhhh!!!!

ANG WALANG PAKUNDANGANG TILI NG ISANG "PROMDI", NEWBIE AT ISANG FROSHIE

nyay.

tssss. ewan. muling nagbukas ang lekat na klaseng puyat at ngarag ako. natigil pa ang MRT ng 30minutes sa may magallanes. asar talaga, kasi ihing-ihi na ako nung mga panahong yun. kung sakaling nag-react pa ako sa nangyari kanina eh malamang dinala na nila ako sa pinakamalapit na police station.

ang kaso: frustrated homicide

i mean, sino ba ang hindi maiimbyerna diba? biruin mo, para kaming 555 sardines sa mrt nung sumakay ako sa gma station tapos yung mamang nasa harap ko, feeling naman nya chinachansingan ko sya, the nerve! eh ang baho-baho naman nya! tapos yun nga, sobrang siksik kami, tapos 30 minutes ngang stalled sa magallanes. bwisit! tapos mga 3 minutes sa
bandang pasay. kaasar talaga!

pagsakay ko naman ng lrt, oks na kaya lang nagsiksikan yung mga lalaki sa harapan ko, so nung palabas na ako ng vito cruz, eh sorry lang nakaharang sila sa pinto noh, wag silang magagalit sa akin! grrrr!

ordeal 1: ENGLONE

yung prof, (nalimutan ko yung last name) ok naman. she looks like my mom. she's nicer than what i expected: angele and the gang (nyaaaay!) tapos she dismissed us 25 minutes early -- cool!

ordeal 2: LUNCH

walang budget, mcdo lang. heheh.

ordeal 3: ANTHROP

the prof had to go on leave, so may refresher, isang bading! (uy rhyme!) jurassic ang phone nya (hoy ganun yung unit ko dati--jurassic nga!) nagkacrush kay moks at eugene.

ordeal 4: isa pang jurassic - ARTAPRE

hindi naman sya masyadong demanding. wala, para lang syang nag-utos na hanapin ang scientific name ng pitong klase ng kuto na nakita kay bob marley. bad trip.

ordeal 5: UWIAN AT MGA HAGDAN

daig ang cardiofunk, body jam, rotex at treadmill ang fitness first. at paglalakad mula gma-kamuning mrt hanggang east avenue and back, kundi lang mabilis magpatakbo ng sasakyan si daddy. hayyy

heck, college life it is...

welcome, kayci.

[BRAIN: welcome ka dyan?! kung inuupakan kita?]